Mapa-foreigner o local, malakas manamantala yung mga nasa tourist spot...

Edit: From a group, not our experience.

  • Tibay ng mukha ng tour guide, not even EU rates do that. 

    Ito yung maganda ientrap tapos gawing viral para hindi na gayahin.

    sana nga ma video next time...

    Ganyan talaga modus niyan sila sa intramuros. Di yan mga accredited na guide. Mga tambay lang na kasama mga tricycle driver. Di naman 2k pero ganun, per hour kuno pero di nila sasabihin hanggang dulo.

    Edit: jump to 13:07 pero suggest ko panoorin kasi entertaining naman si Seohee. Tapos so Jessica Lee overcharged din sa Boracay. Junie Park literal na ninakawan. Inabutan niya isang worker sa surfshop para ilibre ng inumin. Bumalik sarado daw tindahan pero di na binalik 500 pesos, isang daan na lang. Tinatamad na ako mag link, balikan ko later.

    https://youtu.be/OZf0DIVMy-Q?si=C2CIDDSc_BMQ2OCY

    🍿🍿🍿🍿🍿 excited na may mga mahuhuli at mapagsasabihan.

    (Pero sana umayos nalang sila noh)

    hUsTLe CuLtUrE LaNG BrO, ChArGe ThEm BaSeD oN tHe RAtE yOu tHiNK yoU DEseRve.

    -sabi ng mga influencer na prang parking attendant sa isang public place. Di naman kailangan pero andun sila para iguide ka at hingan ng pera. Hahahah

    Agree. Nag tour kami tulad sa madrid for half day with bike. Nasa 4k binayaran namin included na bike rental

    Yes, tutal aactionan lang naman dito saten pag nagviral! Lahat tayo kelangankumita ng pera pero jusko naman!

    Hindi kailangan ng lahat ng issue maging viral para maayos. Ang ingay na kasi.

    Sana pumunta Tyler oliveira sa pinas parang yung ginawa niya sa mga scammers ng paris 😂

  • This needs a lot of regulation at kailangan makulong yung mga gumagawa ng ganito para magtanda.

    Kahit ano pang regulation yung gawin dyan, if the implementing agencies eh ningas kugon, wala din kwenta

    Pano makukulong eh may cut din mga officials diyan hahaha

    may kasabwat mga yan...

    kasabwat din siguro pulis at baranggay diyan may mga cut din yan kaya walang mangyayari

    Nakaka suka na lahat nalang kilangan ng reguation wala oagkukusa ang mga pinoy na magsumikap ayusin ang bansa

  • Ireport nyo pls

    Yeah, i-messaged yung nagpost niyan. Kaurat na marami talagang ganto pa din....

    Dahil tour yan, siguro naman may pics sila.

  • Pag ganyan always say na tatawag kayo ng pulis, mga takot rin yan kapag nasumbong, happened to us one time ng family ko when we were traveling grabe yung siningil samin buti naisip ng sister ko na tumawag for help ayun naging 300 php nalang babayaran namin.

    Mga takot rin kasi yang mga yan, malakas lang loob sa una kasi alam na mga turista kayo.

    Kaya rin ang daming gusto magaral ng law… 

    Or sa barangay kayo magbayaran.

  • Doesn't even stop there. I went to Boracay and was quoted 10k for 20 mins on a jetski LOL. I know plenty of tourists that will go and haggle to 5k and still think it's a good deal.

    My black friend even got quoted 20k before too. Top that off with tricycles asking for 400-500 for a 2km ride too.

    Gusto kasi instant bounty vs. sustainable income. No wonder even other Filipinos would rather travel overseas than be fleeced by their countrymen.

    Di ba! Kaya dinala ko brompton bike ko sa boracay kasi maliit lang and nakagala from end to end for free bilang 3 weeks ako that time. Yung ikaw mismo mawawalan ng gana maging turista sa sariling bansa. Tinalo pa india kung managa ng fare and tour guides.

    Instead of putting her face in a magazine, dapat ito focus ng DOT secretary natin. Regulating and licensing tour guides (parang sa japan) and transparency sa fares.

    Malabo yan kasi ang price regulation is per LGU eh nakikinabang din naman sila. Kaya ang kurapsyon ay di lamang sa taas. Halos sa lahat kahit sa companies. Tipid backpacker ako pero mas prefer ko magoverseas kasi halos ganun din gastos ko pag pumunta sa palawan or esp siargao. Mas malayo nararating ng ipon ko kung nasa vietnam,cambodia,thailand. Kesa magsiargao na ubos na half airfare palang.

    Wtf! 10k tapos 20min? Haha Eh kami nga nakapag jetski sa Bahamas 25USD 30min. Sa Dominican Republic 30USD lang din, tapos sa Havana medyo mahal dun nasa 40USD.

    Gold plated ba jetski nya?

    Magpaskil ang local tour department ng LGU sa vehicle rate, activity, rental etc tyak kamot ulo mga yan.

    grabe yong sa tricycle, di ba sila karmahin non?

    Sa Florida Keys, 10k din ang jetski rental pero 2 hrs siya with Snorkel excursion included.

    Yeah 100USD lang kasi normal rate ng jetski per hour. Kahit nga sa Port Everglades at Miami Beach 100lang din.

    Pero kamusta snorkel sa Florida Keys? Wala bang shark dun? Haha

    Akala ko regulated ang rates sa Boracay? Even yung nag braid,l or nag henna.

    People will still break the rules. Lalo na to tourists that don't know any better. This was in 2025 this happened to me and a few of my friends.

    Sa totoo. Basta makakalusot sila gagawin nila. 🙃

    Lol kami nga nag jetski sa tenerife 6Kphp for 1 hour. Grabe pinas

    Hays kaya lowest tayo sa tourist influx. 

    This is odd! Not disputing the thing that happened but…

    Few weeks ago there was a report that trickle down (incomes) were not happening with tourism. (trickle down corruptions pala. 😭)

    What a mess. Btw, sad to have to say, learn to haggle and/or know fair prices.

    To think Boracay should have been whipped to shaped…

    There was a camp in bora for activities with correct price tag in station 3. .

  • A chat with my friend in November, as we planned his itinerary for his visit here from December 25 to January 4.

    https://preview.redd.it/3ynxo1ypcdcg1.png?width=1812&format=png&auto=webp&s=165d1ca0d9200dccdf8bd241ce5e17c28db27fde

    This is exactly what I warned my Russian friend about when we were discussing itineraries here. I mentioned that we’d likely get scammed if we went through guides just because he’s a foreigner, so I decided to take the initiative and plan a DIY trip instead.

    Here’s our total for the Luneta–Intramuros–Binondo trip:

    • Jeepney transport (2 rides) – 52 PHP
    • Fort Santiago entrance fee for 2 people – 140 PHP
    • Walked everywhere else
    • Ate at home
    • Mototaxi back home (2 rides) – 70 PHP

    Total: 262 PHP

    Definitely should report this, sorry you all had to go through it.

    Try bambikes po if intramuros tour. You are a group na naka bamboo bike while touring intramuros. The tour guide is already included in the package.

    +1 for Bambike. Quite well coordinated and you get around Intramuros much, much faster. Tho I remember them frequently having to deny walk-ins due to high demand.

    Another +1 for Bambike. Trained guides and I think locally sourced din yung Bamboo Bikes nila

    Taray si rusianbikerr

  • Ito ang isa sa pinaka reklamo ng mga foreign tourists/expats satin, parang lagi daw nangiiscam ang mga pinoy sa mga foreigners.

  • Kaya nga kung tour guide kayo at sumisigaw na "ayaw namin sa corruption", pero kayo mismo ay mahilig samantalahin ang mga turista ng mahal na presyo, mas mabuti na tumahimik nalang kayo.

  • Ganyan yan sa intramuros, I forgot kung magkano ang rate na sinabi niya saamin pero akala namjn fixed rate na yon. Umabot kami ng more than 2 hours sa tour, puro take your time pa sabi samin ng pedicab driver (nagmamadali kasi kami kada spot kasi nakakahiya naman bagalan). Sa dulo nagulat kami kasi PER HOUR pala ang singil. Kaya pala puro take your time si manong. Intentionally din nila tinatakpan ang per hour dun sa karatula nila.

    Student palang kami non, napautang pa tuloy ako sa kasama ko ng wala sa oras.

    Kasumpa sumpa yang mga ganyan. Scammer ang datingan

  • Ang dami ng video nito sa Tiktok. Intramuros scam. Sila un mga may pedicab taz mag aalok ng tour. Pati un sa kalesa. Eh ang daming kasinv squatter sa loob ng Intra. Pero may mga legit na tour tlga. Pero afaik, walk lang tlga. May iba na included pa ang Fort Santiago.

  • That is why I don't really bother with traveling anymore. I had a cousin who went to Siargao and was sold a coke mismo on the beach for 100 pesos. Lol

    Luh garapalan! 🤬

    Sa bohol river cruise they give out softdrinks tapos sisingilin ka sa dulo ng 100 each, akala mo kasama na nung lunch package

    Wtaf hindi ganun kaganda yung lugar to do that nickel and diming nila

    Ay nako. Never again Bohol. Nag-Loboc River na rin kami mga 2010 yata o 2011 pero wala pa namang ganyan na garapalan levels. Ang sad naman na biglaang bumaba yung value for money.

    2019 lang to, they're probably still doing it now.

    To think nasa 30-40 lang yung in-can na softdrinks that time

    Edit: google reviews still indicate this scam is still happening up to last year. I knew I wasn't alone in pointing that out!

    I remember yung "bottomless" pero isang pitcher lang pala deputa hahaha mga 2009-2010 yun

    Bohol pa grabe taga presyo pagkain pa lang grabe presyuhan

    80 nga isang buko nila sa panglao jusko. That was 2016 pa

    Ibang-iba sa Siargao na na-experience ko noong 2015. Mas ok pa presyo noon. Group of 12 kami pero nakuha namin na accommodation was 2300 per night.

    add Bohol to your no travel list! actually madami pa ibang tourist spots na notorious sa pagkakaroon ng foreigner price on top of overpriced goods for locals

    near same din, pero more of we avoid as much as possible yung touristy areas because there are a lot of tourist traps there. ultimo pinoy sinascam nila ng tourist tax.

    Add mo pa yung sinisingil na “travel tax” sa boracay. Mas mahal pag foreigner. Pati airport transfer ng mga hotel mas mahal pag foreigner.

    Kung 1.5L why not! Hahaha

  • Sa Bohol dati, 300 pesos singil sa kanin, pritong itlog, at hotdog. Eh wala nang choice kasi gutom na kami. Grabe yun.

    Used to be my favorite destination way back, and with the similar things I've heard from others, wala na muna akong balak bumalik ulit.

    Sana maregulate yung mga ganito. How can we entice inbound tourists eh kahit sa kapwa Pinoy gahaman din?

    I had a fair share sa gantong bagay, same as yours wala na akong magawa nun.

    Booked a trike for a whole tour sa Samal with a good price (900 for the whole day, around 1.5k kasi yung max based on my research) but unfortunately nahuli siya kasi colorum pala tapos yung pumalit tinaga kami 3k sinisingil haggled hanggang 2.5k, wala na akong magawa kesa masira yung plano for the whole day...

  • Mapagsamantala talaga ang mga yan kaya hindi umaasenso sa buhay. Tapos sasabihin "nagttrabaho lang ng maayos".

  • I wish the government will be proactive sa mga ganito. Switik Ang ibang kababayan natin lalo na pag foreigners ang mga client. Tingin Nila dollar sign ang mga tourists. Sila Ang mga anay na sumisira sa tourism industry ng Pinas.

  • Eto reason bakit never na binabalikan pinas. Apaka short sighted tlga ng mga pinoy. Gahaman na tanga pa sa pag preserve ng tourism.

    What do you expect. Pati nga sa pagpili ng mga leaders gahaman na tanga din. Mas gusto quick cash kaya bigyan lang ng 500, go. Bahala na tayong lahat sa mga buhay naten.

  • POTANGINANG KALESA YAN SA LUNETA! GIGIGIL NA NAMAN AKO PAG NAALALA KO!

    Dec. 16 (last month lang) noong umuwi ang bayaw ko galing Poland. Gusto puntahan nila ate ko yung Luneta talaga. Nag suggest kami na dahil nga 1 day lang sila sa Manila bakit hindi na rin libutin yung mga karatig na tourist spot like intramuros, fort santiago, etc.. Kaya naman ang idea? KALESA! Dahil never pa naming natry yon. Kasya raw apat, ISANG LIBO LANG! Sa dami namin nagpatawag pa ng dalawang kalesa! Bale tatlo!

    Buti na lang sobrang daldal ng Nanay at paulit ulit siya sa mga gusto niyang puntahan hanggang may isang kutsero na mukhang nadulas "hindi po natin kayang libutin yan in 30 mins huh?". Yung dalawang kutsero halatang gulat na dismayado.

    Nagtinginan kaming lahat. Gets na agad namin na yung 1K hindi ka pa makakarating sa isang destinasyon na pinapakita nila, kasi opkors sila ang may kontrol sa kabayo. Backout kami. Tapos may sumigaw samin "dapat hindi na lang kayo nag patawag, ang laking abala oh"

    Ayun away talaga! BASTA POTANGINA NILA! GALAWANG SCAMMER! PATI YUNG MGA GWARDYA DUN SA GATE NA NAKABROWN! PATAY MALISYA KAHIT NA ALAM NILA YUNG KALAKARAN DUN! NAGSISITAWANAN PA ANG MGA POTA!

    Idamay ko na rin yung mga photographer diyan! After mo magpapicture NEED MO NG DEPOSIT! Ganid ang mga pota! Pag nagpapicture ka magugulat ka na bakit puro doble yung copy. May nagsabi samin dun na "gawain yan nila para maExhaust yung package na binanggit" naka 1,200 kami hayuf kasi yung ibang kuha triple yung kopya talaga! Sa phone na lang sana hahaha!

    Pero support natin yung mga street vendor dun, kila mamang sorbetero. Sila na lang ata marangal dun HAHAHAHA

    Pa-rant lang! Never again! Thank you! HAHAHAIXJDNEKSKS

  • Hindi ko alam kung tourist guide ba talaga or sa mismong Manila. I have medyo similar experience.

    May parang orientation ako sa company. Hindi ko alam kung paano pumunta. Basta ang alam ko, malapit lang sa SM Manila. Then pagbaba ko ng Central Station LRT-1. May mga pedicab. Sinabi ko kung saan. Malapit lang kasi talaga . Kung masipag ka talaga pwede lakarin. Kaya nga pedicab lang, goods na. Sadyang pa-lunch break kasi that time kaya tirik na yung araw at ayoko maglakad. At gusto ko rin kasi presentable ako sa pupuntahan ko.

    Nagtanong ako, pamilyar naman din yung pedicab driver. Sagot niya sa'kin, P50.00 lang daw. Nilinaw ko pa, mula roon sa Central Station hanggang sa mismong pupuntahan ko. Oo, P50.00 lang daw. Hindi na masama kasi ang special naman P35.00 nga lang, eh.

    Nung nakarating na kami, ang sinisingil sa'kin, P150.00. Bakit? Kasi nga raw, P50.00 ang isa. Eh, hanggang tatluhan kasi yung pedicab niya, so needed ko raw bayaran yung space nung dalawa? Nagtaka ako kasi malinaw ang napag-usapan namin na mula roon hanggang dito, P50.00 lang. Tsaka siraulo ba siya, P150.00 eh, sobrang lapit lang.

    Sa sobrang badtrip ko rin, binayaran ko na lang kasi hindi ko naman teritoryo at wala akong alam sa ganu'n. Then, later on, lumipas na mga araw nito. Nakabasa ako post sa FB, same na nangyari sa'kin. Literal na naging triple yung bayad kasi needed daw bayaran yung dalawang slots.

    At napag-alaman ko, ganu'n daw pala galawan sa Manila. Kaya ayang kwento mo, OP. Mukhang hindi 'yan exception sa tourist guide, sa mga tao na talaga sa Manila 'yan.

    Scam talaga yang mga yan dyan. Mga 20 years ago sinubukan akong scam same modus din Mabuti na lang malapit na ung mga kikitain ko nung nakita nyang nasa bente ung kasama ko di Tinagap nya ung 50.

    Grabe talaga. Yung nagsabi sa'kin mga katrabaho ko na taga-Manila rin. Kaya du'n ko natuklasan na, ganu'n nga galawan du'n.

  • Anong ginagawa ng DOT sa pag regulate ng mga ganito? Wala na nga turista, it seems nganga pa rin sila. Wala bang kakalampag? Sana naman kung may makakabasa na taga DOT, kalampagin nila ahenaya nila. Sila sila lang nasisiyahan sa performance nila. Wala na bang redeeming factor ang gobyerno? Jusko! Tayo tayo na lang magtutulungan talaga.

    Ayun, nagpapapicture lang kung saan saan 🤷🏼‍♀️🤷

  • Tindi ng hourly rate ng tour guide ha, daig pa mga VA.

  • Hays, this is why we cant have nice things. A few bad eggs makes it look bad for the rest of them.

    Been to intramuros at least three times, with different foreign guests. Never kami na scam ng tour guide or ng kalesa. 

  • Extortion capital of Asia.

  • Pag ganyan tawag kayong pulis scam yan...

  • Yes, deserve na deserve mawawalan ng turista. Karma nila yan.

  • report DTI at Tourism department

  • WTF? I’ve been to multiple countries and always join free walking tours na tip based lang. Kalokaaaa!

    2k per hour tours tapos geng-geng pa yung tour guide mo, halos word by word lang nang infographics every station.

    At 2k dapat expected mo na from NHCP yung mag-gaguide.

  • Mga putangina yan mga 8080 magnanakaw

  • "Diskarte" hahaha

  • "Diskarte" ng mga taga-Intramuros. Usually eto yung mga naka-Etric/Ebike. Ang modus nila, may suot silang QR ID tapos nakalagay "tour guide". Unfortunately, hindi sila accredited ng Intramuros officials or even ng DOT. Tapos ang gagawin nila, magsasabi sila ng rate sabay pakita/pagexplain ng mga printouts nila + packages kuno nung tour. Ang catch, may fine print yung printouts pero sasabihin nila hindi daw binasa ng "customer" maigi.

    Unfortunately tong mga abusadong pedicab na to gawain na nila ever since. Its also been caught a few times na din sa mga vlog ng mga YTers. Search niyo yung kay Seo Hee travels nila sa Intramuros

  • Tapos puro paganda lang dot secretary! Inamo Frasco!

  • Diskarte daw kasi.... diskarte na nagpapasira lalo sa Pinas.

  • Pilipinas. Country of thieves.

  • Hingan nyo ng OR haha refuse to pay pag wala

  • Nung kasama ko din yung asawa ko na first time sa intramuros, ang kukulit ng mga yan. Eh sanay kami sa lakaran kasi walkable naman ang mga cities sa EU.

    May isa pa na sinundan talaga kami kesyo yung way daw na pupuntahan namin ay sarado, na puro iskwater na daw, wala daw makikita. So sinigawan ko na tumigil siya at wag siyang makialam kasi taga-Maynila ako. Alam ko ginagawa ko. Sumagot pa na taga-Maynila din naman daw siya (parang gago).

    Anyway, may bagong bukas na museum sa Intramuros, Centro de Intramuros ata name. Project ni BBM. Nandun nakalagay kung magkano talaga ang rates ng mga tours sa loob and AFAIK, pwede i-report mga kups dyan.

    Wag na lang kasi sumakay sa mga mukhang di naman naligo tapos nagki-claim na tour guide, jusko. Lugi.

  • sharing an experience na kinda related sa topic --

    i frequently hike a certain mountain sa rizal. di kailangan ng guide kasi very straightforward yung trail. one time, may hike yung company namin. kasama namin mga ibang foreign managers. sobrang standout na typical americans sila. when we were about to start the hike, biglang hinarangan kami ng barangay officials. need daw ng guide. gulat kami mga experienced hikers. di naman ganon before. sabi kailangan daw kasi baka may mangyaring masama and sila daw responsible to take them sa barangay clinic, blah blah blah. eventually, nafeel namin na di talaga sila bibigay, so sabi namin sige, go na. aba, sabi kailangan daw ng guide for every 2 hikers. tapos rate is 1k per guide. WTF!!! kahit saang bundok, hindi ganon ratio ng guide to hikers. sobrang natawa nalang kami kasi alam namin naglolokohan nalang sila. we were 24 hikers. so instant 12k sana sila. hahahaha

    we decided to leave na kasi di na maayos kausap yung barangay. tapos biglang nagcompromise. 4 total guides nalang at 500 rate. di pa rin kami bumigay. eventually, kinausap kami na kahit 2 nalang (isang lead at isang tail guide) at 500. sabi pang hanap buhay daw nila. pinagbigyan nalang namin kasi sayang din punta namin.

    but yes, it does happen everywhere na kapag may nakitang foreigners, locals will try to get something out of it

  • Pilipino lang din nagpapabagsak sa Pilipinas dahil sa panlalamang 😪

  • Ang masasabi ko lang.

    Its the People.

    I mean, we always blame the politicians and the government for being corrupt.

    Pero nakalimutan natin na the People are also corrupt. Maybe its a hard pill to swallow. Pero ganun talaga, if ang pinoy binigyan mo ng pagkakataon na maka lamang sa kapwa. Gagawin nya din. Same din sa ginagawa ng pulitiko.

  • This made me realize honest ung mga tour guide sa Siquijor and Dumaguete. 1500 for the whole day, tatlo na kami tapos kasama na yung pagsakay sa tuktuk nila and also ung pagkuha ng mga photos namin. Sobrang sulit.

  • Lalo na mga taxi driver!!

    Nag pobla kami ng jowa ko (Kano) tapos edi wasted na yung kasama ko ano. Umuwi na kami, from Makati to BGC lang ah wala pang 20 mins ang byahe sabi samin 900 daw. E hindi naman kasi ako umiinom, sabi ko "sir pano magiging 900 po wala pa tayong 10km kung tutuusin" sabi nya "ganun po talaga presyo ng taxi maam e"

    Di rin kasi kami maka book ng grab at walang nag accept kasi malapit nga lang.

    Ito namang kasama ko go na daw, biglang sumakay. Pag pasok ko sabi nung driver sa kanya "give me tip sir ha" taena 1500 ang siningil samin. Nakakainis talaga kahit mag salita ka pa di sila papatinag.

    Wala naman yatang pinipiling iscamin ang mga taxi driver sa Manila, kahit di turista eh

    Truth! Nung 31 may hosp duty ako. Wala akong masakyan tapos 7pm pa lang naman dahil 11 start duty ko inagahan ko talaga. Ang hirap mag book kasi gusto nila malaki tip (joyride, angkas, moveit, and grab) tas may humintong taxi sa harap ko sabi ko nga don sa ospital magkano singil. 2k daw HAHAHAHA

    Even student get scammed.

  • Wala kasing regulation. Depende sa feel ng tour guide kung magkano ang ipapabayad sa mga turista.

  • Yes. Galing ako Singapore at dun kasama sa ticket let's say sa National museum yung tour guide na alam mong historian. Jusko dito diskarteng mapanlamang talaga na nagpapanggap lang na may alam.

  • Agree ako diyan na dapat mabawasan ang bilang ng turista. Masyado ng madaming scammer kasi, at kapag nawalan sila ng pagkukunan ng pera at baka ay matutunan nilang pahalagaan ang mga naiiwang turista sa pamamagitan ng tamang pag-presyo ng serbisyo.

  • Nangyari rin to sakin dati! Pero buti nalang school project yun so kailangan i-vlog, pinakita sakin ng tricycle driver yung set tour, nakalaminate pa. Kinuha ko basic package niya, I think 450 for an hour tapos maraming places na yun tapos sabi niya antayin niya ko sa labas ng san man ako dnrop off. Then pagkatapos ng lahat lahat, 2k na sinisingil sakin lumagpas daw ako ng ilang minuto tapos per minute daw ang charge kesyo binawasan na raw niya blablabla. Sakto may time stamps ako and na videohan ko yung laminated package niya wala pa nga akong 1 hour since i skimmed through most attractions 😬 tapos suddenly "ay sorry maam, nalito ko kayo sa customer ng kumpare ko nag uusap kasi kami kanina habang inaantay ka eh" so ako naman ok whatever baka naman ganon talaga. Pero hiningan niya ko tip kahit 500 lang daw 💀💀

    gg kaya mababa na bilang ng mga turista sa pilipinas eh. Sa totoo lang ang ganda talaga ng pilipinas lalo na kung alam mo san pupunta! Pero jusq napakalala ng pangdurugas ng mga tourism sector natin manila man o mga isla 🥲 there really needs to be change 🥲

  • Naganyan din nanay ko and kasama niyang foreigner. 500 naman sabi then blah blah biglang 2K singil. Nakipag away nanay ko pero ung foreigner na kasama niya binigay nalang kasi ayaw ng gulo. Ito ung Kalesa BTW.

  • Grabe naman sa maka "deserve" to.

    Oo may ganyan, pero madami din naman na matino. Pwede naman i-call out nalang yung predatory practices instead of wishing our country to fail.

    Basura ng mentality.

    Hindi nila alam na 10x ang singil sa kanila sa parks sa Thailand kumpara sa locals. Enforced by their government yan ha.

    Mas madali kasing sikmurain ung foreign tax fee kasi batas kaysa sa scam.

    Eh bakit nagrereklamo ang mga tao sa travel tax?

    Hindi kasi nakakabasa ng Thai ang mga turista kaya di nila alam na 10x ang charge sa kanila.

    Kahit mabasa pa nila un, batas ng Thailand un, batas ba satin na legal mang scam?

    Exactly. Overcharging is an exploitative practice regardless kung legal o hindi. At hindi yun exclusive sa pinoy o sa pilipinas lang.

  • Na sa kultura na talaga nating mga Pilipink pagiging corrupt, kawawang Pililinas. Hayyy

    Nastroke yata itong doomer habang nagtatype. Hayyy

  • Kumakain siguro ng gasolina

  • Mag Kano ba usually Ang charge sa ganyan?

  • nakakahiya mas nahiya oa si satanas dito sa ginawa nila wtf

  • wow tinalo pa ang rate ng mga manager ng multinational companies LMAO

    kaya hindi nakakaawa kulelat tayo sa tourism dahil sa mga "diskarte" ng kapwa pinoy

  • My mother-in-law came to Manila for a surprise visit and didn’t tell us her accommodations. She took a taxi from NAIA 3 to her hotel booking at Solaire and was charged Php 2,500 for what should have been a below Php 500 grab ride. She was jipped and didn’t know it until she told me. Absolutely hate how fellow pinoys scam unknowing foreigners like this

  • Pagtuunan din dapat to ng DOT, ito isa sa pumapatay sa tourism natin.

  • Tapos kapag sinita mo sila pa galet. Mga maling diskarte nila para lang kumita kaya never tayo uunlad sa mga ganyan mag-isip

  • Wala naman talagang kwenta ang LGU na kahit sa tourist spots, binabaha ng mga mangloloko. Kung sa palengke nila gawin yan, mas maintindihan ko pa.

  • dapat talaga managot na yung mga gahaman na yan nang ooverprice

    look at panglao bohol pakunti ng pakunti mga tourist dahil sa mga yan na nangtataga ng presyo

  • We recently had a tour in Intramuros last December. It was 1k per person for the entire tour.

  • Dapat talaga nirereklamo yan. Di ba regulared ng DoT o ng IA man lang? Tas wala pa kasamang merch at hindi man lang covered ang transpo around the site. Napakawalanghiya namang guide 'yan!

    Hindi ko pa nararanasan sunali at gumastos ng libo para sa mga tour na 'yan, a, pero parang Wikipedia at textbook style lang naman ginagawa diyan. Hindi naman in-depth analysis ng kultura at kasaysayan ibibigay ng guide sa isang walkthrough na parang isasalang ka sa thesis defense at kailangan mong review-hin buong Intramuros.

    Mas mahal pa nga ata 'yan sa isang session ng seminar ng guro e. 6k? Jusko, kinukwento ko na lang sa makakasama ko relevant historical facts sa madadaanan e.

  • Yan mahirap pag mapagsamantala natagpo mo. Doon sya titira sa blurred lines

  • May mga pulis jan sa intra, dapat ireport. Minsan, binabasag namen mga nag ooffer ng tour jan e haha!

  • 1k lang yan beh

  • Nilalakad ko lang buong intra nung college. 🥲 Tas ganan maningil. Kagigil ang mga pota.

  • sana tax payers sila.

  • new meta nga dito sa r/ph

  • Tama. Ang aksyon lang naman kapag napaviral mo sila. Like James Deakin.

  • Nabudol din kami jan way back 2023. 3k naman for 2. Unang punta namin sa intramuros nun tangina trauma agad e. Partida parehas kami taga metro pero nabudol pa din ng kinginang mga pedicab driver na yan.

  • finally a real criticism for the tourism sector that the DoT themselves can address.

  • Kaninong department ng gov t ba ito dapat . Lgu ,DOT or DTI. Kung sa singilan ng tax sa mamamayan ang bilis pero sa pagpapatupad ng regulation - balakayojan.

  • Sa kasamaang palad, nascam din kami ni jowa dito. Okay naman sana if 1 hr lang pero di ko namalayan pinapatagal nila until naging 3 hrs lol I think we paid half of that pero the driver had the nerve to say na bayad lang daw yun sa guide e iba pa sa kanya. I argued na di yun part sa usapan before we started and refused to pay additional 

  • Grabe!!! Kung tutuosin ang liit lang naman ng intra para gawing 2k per hour yan!!! Ang hilig nila sa ganitong scheme talaga. If I may ask po, pedicab po ba ito?

  • kaya i don’t even recommend Manila with my foreigner friends. if I market the Philippines, I just tell them to go to Coron

  • Please write this stuff up on Google reviews for others, if they're even on there. I actually tend to avoid businesses that don't have a presence on the review system, harder to do, perhaps, in a place like the Philippines.

  • Kaya nga wag na tayo magtaka bat ang baba ng turista sa pilipinas kasi lahat nalang may scam at overpricing.. eh sabagay gobyerno nga natin poster child ng corruption at overpricing

  • Matagal nang modus yan. Don’t fall for it, better not pay hahaha! Wala naman sila magagawa

  • I paid 11k for a 4 hour walking tour in Rio de Janeiro. Lunch and other food included. Sharing for comparison

  • per hour talaga?

  • mga gipit sa buhay pero lalo silang nagigipit sa ginagawa nila

  • Nung nag intramuros kami ako na lang ang nag tour guide sa amin kasi naka ilang punta na ako dun haha.

  • Not surprised if we will see more ASEAN countries being featured by the content creators. Saw people spending like 10-15k per person on another ASEAN country for 4 days and 3 nights.

    More Filipino will just opt out to go on another country than local spots that has inflated prices.

  • ireport niyo po sa 8888

  • Mga galit kuno sa corrupt mga depota nmn umasta.

  • Tapos pag may torista e scamin ng malala. Halimbawa seafoods libo isang kilo?? Pamasahe 150 isang way. At napaka dami pang modus. Wag nila e sisi so gobyerno lahat. Kaya nawawalan ng torista kasi mahal local airlines, daming scam pag dating dun, saka sirang daan, pangit na transport system. Pucha na yan mag tataka pa walamg torista!

  • Don't bother getting tour guides sa daan sa Intramuros. Halos yung alam nila ay mababasa mo lang din sa mga infographics on every station.

  • Never again setting foot sa maynilang dugyot.

  • That’s why tinigil namin ng wife ko iexplore ang Pinas. Mura pa mag tour within Asia kesa mag tour within PH.

  • Kaya never na din ako nag avail ng mga nag ooffer ng tour dyan sa Intramuros, lakad lakad nalang talaga pag namamasyal dyan. Nabudol din kami dati na akala namin fixed rate per hour pala. Puro pinoy pa kami ng mga kasama ko at di naman yayamanin mga itsura namin. Buti may natira pa kaming pamasahe pauwi after namin magbayad dun sa tri-sikad.

  • Masyadong magulang kasi mga Pinoy. Lahat nalang ng bagay, akala mo uunlad agad eh.

  • Kaya siguro may foreigner noon na tumae sa intramuros kasi overpriced singil ng tour guide sa kanya hahahahahha

  • I believe we’re losing tourists because of this… bad reviews. Anong ginagawa ba ng DOT? Farm-to-my-resort roads? Mukha ng secretary ang feature? Kaka-putangina yan.

  • Posibleng gawa lang yang kwento but I wouldn't be surprised if totoo.

    Kapwa Pinoy nga basta mukhang dayo pinagsasamantalahan, magtataka ka pa pag foreigner, automatic dollar sign na mata ng nga garapal diyan. Parang mga abusadong tricycle drivers at mga rider sa terminals lang din yan. Akala mo pinupulot lang ang 100 up to 200 pesos tapos wala man 1 km ang layo ng paghahatiran.

    I wouldn't pay him 6k. Of course, yung ibang tao di naeexperience yan kasi pinag-aarapan nila kung sino ang mga uto-uto. Masakit man pakinggan, ito yung mga taong madaling mabigla, kaya labas agad ng pera.

  • 3k for 24hr rental nang scooter sa boracay samantalang 800 pesos lang yung nmax sa puerto galera lol. No one should go there fck boracay

  • I remember seeing a video exposing these kinds of scams kung saan sasabihin 2k lang pero dun sa hawak nilang presyohan, may "per hour" nakasulat. Dunno if sa Pinas ba or sa ibang bansa.

  • PAANO MALALAMAN KUNG ACCREDITED ANG TOUR GUIDE?

  • This is exactly the problem. Anywhere you go for tourism, there is some sort of something like this, big or small.

  • he/she is basically a corrupt politician that is not in any government position.

  • Haha sa true iba ang rate kapag foreigner. Nag tour kami dyan last December, kasama mga pinsan kong laking Canada nung sabi kong pinoy rate lang dapat kami sabi nung naka etrike “ di nga nakakasalita ng tagalog yan” sabi ng pinsan ko “ I don’t have to prove anything to you” nakakaintindi naman ng tagalog di lang makasalita. Dapat may regulation dyan. Tagang taga e

  • Ano ba yung enforcing power nila at bakit hindi pwedeng magrefuse sa unjust na paniningil??

  • Ganyan nangyare sa tita ko with her foreigner husband. Sobrang bad ng experience nila isipin ko last 2020 pa to. Siningil sila ng 4k then dinala daw sila sa squatters area sa pinaka gilid. Natatawa na lang sya na naiinis then nakikipag talo sya. Pero sabi nung husband nya bayaran na lang at umalis baka ano pa daw mangyare sakanila. Kaya super sad na hanggang bgayon ganyan pa din tour guide fee

  • Kung buhay lang si Carlos Celdran baka nagwala na yan kapag nabasa niya to haha

  • deserve din naman pala natin bumaba ang turismo e dahil sa mga ganitong tao. tsk

  • Hi this was around 4 yrs ago, my German bf and I also booked a toured guide sa Intramuros and we didnt pay that kind of amount at all. We only paid for the kalesa and I think like less than 500 for the guide.

  • Not surprised. Look at the available Airbnb experiences (read: Experiences, not Stays!) around Manila. Grabe super garapalan ang taga.

  • di nila iniisip na kumita man sila konti, mas marami naman mawawala sa kanila pag nawala ang turista na papayag sa tour nila lalu sa kwentong ganito

  • Parang yung nasakyan naming tricycle noon. Sumakay ata kami non sa Intramuros tapos nagpahatid kami sa Fort Santiago. Tinanong ng kaklase kung magkano ang pamasahe ehh tatlo kami so sabi ni manong ₱50 daw. Pagbaba namin, ₱50 pala kada isa.

  • I experienced this before! Ang ginawa ko binayad ko lang rate na sinabi niya tapos tumakbo ako sa may guard 😅

  • Kaya lalong napangit reputation ng tourism sa Intramuros… ay hindi sa buong pilipinas pala dahil sa mga ganito.

  • Eh di lang dito, kahit sa ibang bansa din naman. We wanted to have a pinoy tour guide sa taiwan dati, mahal yung price nya. Mas mura pa yung taiwanese talaga. Pati sa ibang bansa nanggagagantso e . 

  • Same with bohol. Parang mga sindikato mga tao dun. Even tuktuk drivers.

  • yan ung mga taong d nag iimprove sa life for sure.

  • Kaya never na talaga ako umulit sa ganyan. Nakakadala.

  • Tbf if the system compensates them fairly and sufficiently, and may regulation (with strict implementation) yung mga tours na ganito, this wouldn't happen. It all goes back to the system.

    Remember, people: the government at this point is not on our side. Isa sa mga pinaka corrupt na department ang DOT ngayon. This is want they to happen, na tayo-tayo yung magsisihan.